Kathang Isip Lyrics

Kathang Isip Lyrics

Ben&Ben
Songwriters: Paolo Benjamin G. Guico

‘Di ba nga ito ang ‘yong gusto?
Oh, ito’y lilisan na ako
Mga alaala’y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon

Mga gabing ‘di namamalayang oras ay lumilipad
Mga sandaling lumalayag kung sa’n man tayo mapadpad
Bawat kilig na nadarama sa tuwing hawak ang iyong kamay
Ito’y maling akala, isang malaking sablay

Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
Wari’y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako’y gigising na sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa…

Gaano kabilis nagsimula
Gano’n katulin nawala
Maaari ba tayong bumalik sa umpisa?
Upang ‘di na umasa ang pusong nag-iisa

Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
Wari’y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako’y gigising na sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa…

Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana
Na minsan s’ya’y para sa iyo pero minsan, s’ya’y paasa
Tatakbo papalayo, kakalimutan ang lahat
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh

Pero kahit sa’n man lumingon
Nasusulyapan ang kahapon
At sa aking bawat paghinga
Ikaw ang nasa isip ko, sinta

Kaya’t pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
Wari’y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako’y gigising na mula sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa…

‘Di ba nga ito ang ‘yong gusto?
Oh, ito’y lilisan na ako

Ubomi Abumanga Lyrics

Lyrics of Woman by Rema

21 Questions Lyrics

Leave a Comment